11 patay sa landslide sa Indonesia

11 patay sa landslide sa Indonesia

March 7, 2023 @ 9:39 AM 2 weeks ago


JAKARTA — Labing-isang katao ang nasawi at dose-dosenang pa ang nawawala matapos ang malakas na pag-ulan at pagguho ng lupa sa isang isla sa Indonesia nitong Lunes, ayon sa ulat ng  disaster agency ng bansa.

Sinabi ng tagapagsalita ng National Disaster Mitigation Agency na si Abdul Muhari sa Kompas TV na, ayon sa pinakabagong impormasyon mula sa mga lokal na opisyal sa Riau Islands, “11 body bags ang napuno” at “50 katao ang tinatayang nawawala.”

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang search and rescue operation. RNT