11 Pinoy crew damay sa binombang barko ng Russia

11 Pinoy crew damay sa binombang barko ng Russia

February 28, 2022 @ 7:00 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na damay ang 11 na Filipino na sakay ng bulk carrier na binomba ng Russia noong Huwebes 50 milya sa timog ng port city ng Ukraine na Odessa.

Sa kabila nito, kinumpirma din ng DFA na pawang ligtas ang mga ito.

Sa ulat ng personnel relations officer ng Marshall Islands-flagged Yasa Jupiter, “all crew members on board, including 11 Filipinos, were not hurt and are safe,” anito.

Nakipag-ugnayan naman na ang mga Pilipino sa kanilang mga pamilya.

“The Philippine Embassy in Ankara and the Philippine Consulate General in Istanbul are jointly coordinating with Yasa Holding, the Turkish owner of the ship,” dagdag pa ng DFA sa isang pahayag.

Dumating ang tatlong taong gulang na barko sa isang shipyard sa Yalova, isang probinsya sa timog ng Istanbul, noong Biyernes ng umaga.

sa ulat ng Turkish General Directorate of Maritime Affairs, ang barko ay natamaan nang simulan ng Russia ang pag-atake nito sa silangang European na bansa.

“The ship has no request for help, is en route to Romanian waters, has no casualties and is safe,” saad pa ng official sa Twitter.

Samantala, ang cargo ship na pag-aari ng Japanese na Namura Queen ay iniulat din na tinamaan ng rocket sa Ukraine sa Black Sea noong Biyernes, na ikinasugat ng isa sa 20 Filipino crew nito. RNT