11 rebelde sa Sorsogon sumuko na!

11 rebelde sa Sorsogon sumuko na!

December 27, 2022 @ 9:23 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Boluntaryong sumuko na sa pamahalaan ang 11 aktibo at regular na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Castilla, Sorsogon.

Ito ang iniulat ni Brig. Gen. Aldwine Almase, Army’s 903rd Infantry Brigade (IB) commander, nitong Lunes, Disyembre 26 kung saan personal din na isinuko ng mga rebel returnee ang kanilang mga armas sa 903rd IB headquarters sa Barangay San Rafael mismong araw ng Pasko.

Ayon kay Almase, tinalikuran na ng mga rebelde ang communist terrorist group (CTG) dahil sa hirap na nararanasan nila sa kamay ng kanilang mga lider.

“I am encouraging the remaining CTGs to abandon the armed struggle and return to the folds of the law, where they can enjoy freedom and assistance, such as housing, livelihood, educational, and medical programs, and/or benefits from the Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC),” ani Almase sa isang statement.

Kasabay nito, nakatanggap ng cash incentives at food packs ang mga rebel returnees bilang bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan. RNT/JGC