11 sa 40 preso sa SoKot positibo sa droga

11 sa 40 preso sa SoKot positibo sa droga

March 4, 2023 @ 12:17 PM 3 weeks ago


KORONADAL CITY – NAGPOSITIBO sa paggamit ng illegal drugs ang 11 preso sa isinagawang sorpresang drug test sa ilalim ng “Operation Greyhound” na isinagawa ng pamunuan ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC) sa 40 nakakulong, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Ayon kay Lorry Celeste, acting provincial jail warden, isinailalim na nila sa masusing imbestigasyon para alamin kung sino ang nagbebenta ng illegal na droga sa mga preso sa loob ng nasabing pasilidad na kung saan lumulutang ang pangalan ng isa kanyang mga tauhan subalit hindi niya muna ito pinangalanan.

Isinuko naman ng ilang preso ang 6 na pakete ng shabu na may P35,000.00 street value .

“Those who tested positive for drugs are all from Cell No. 32. They are currently isolated while the investigation is going on,” ani Celeste.
Sa ngayon ay pinaigting ang paghihigpit ng mga tauhan ng Koronadal City jail sa mga bisita na magdadala ng pagkain sa mga preso./Mary Anne Sapico