11 sasakyan, nagkarambola sa NLEX

11 sasakyan, nagkarambola sa NLEX

July 19, 2018 @ 2:55 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko bago mag- Smart Connect Mindanao Avenue ang karambola ng 11 sasakyan sa southbound ng North Luzon Expressway ngayong hapon (July 18).

Ayon sa pamunuan ng NLEX, sinakop ng aksidente ang dalawang lane.

PHOTO: NLEX TWITTER

Nasa sampung katao ang sugatan sa nangyaring karambola kung saan nadamay ang isang pampasaherong UV express.

Patuloy pa ang clearing operations sa naturang kalsada. (Remate News Team)

FEATURED PHOTO: Airwindjet Lcb