11 umatras sa ikalawang araw ng Bar Exams

11 umatras sa ikalawang araw ng Bar Exams

November 14, 2022 @ 7:14 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Umabot na lamang sa 9,196 examinees ang kumuha ng Bar Examination sa ikalawang araw kahapon (Nov 13).

Ayon sa Supreme Court Public Information Office (PIO) katumbas ito ng 91.90% turnout.

Magugunita na nasa 9,207 na kandidato ang kumuha ng Bar Examination sa unang araw nitong Nov 9.

Sa ikalawang araw kahapon isinagawa ang pagsusulit sa Criminal Law, Practical Exercises at Commercial Law.

Sa November 16, 2022, sa ikatlong araw ng Bar examination nakatakda naman ang Civil Law I at Civil Law II habang ang examination sa huling araw sa November 20, 2022 ay patungkol sa Remedial Law I, Remedial Law II (with Basic Tax Remedies) at Legal Ethics.

Kumpiyansa naman si SC Associate Justice at 2022 Bar Examinations Committee Chairperson Alfredo Benjamin Caguioa na mananatiling maayos ang sitwasyon hanggang sa pagtatapos ng Bar Examination. Teresa Tavares