111 pang COVID-19 cases sa PNP, naitala

111 pang COVID-19 cases sa PNP, naitala

January 30, 2022 @ 4:50 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala pa sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ng 111 dagdag na bagong kaso ng COVID-19 nitong Linggo, dahilan para umabot sa 48,086 ang total infection sa kanilang hanay.

Sa nasabing bilang, 1,597 dito ang aktibong kaso, ayon sa datos ng PNP Health Service.

Nakapagtala naman din ng dagdag na 207 bagong gumaling, dahilan para umabot sa 46,363 ang total recoveries.

Nanatili naman sa 126 ang bilang ng nasawi sa hanay ng PNP. RNT