1,116 examinees pasado sa 2022 Forester Licensure Exam

1,116 examinees pasado sa 2022 Forester Licensure Exam

November 3, 2022 @ 6:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Professional Regulation Commission nitong Miyerkules, Nobyembre 2 na may kabuuang 1,116 sa 2,034 nagsulit ang nakapasa sa 2022 Forester Licensure Examination nitong Oktubre.

Isinagawa ang naturang pagsusulit nitong nakaraang buwan sa iba’t ibang lugar sa bansa tulad ng Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Davao, at Zamboanga.

Nanguna dito si Regein Gonzaga Calunsag mula sa Central Mindanao University sa nakuha nitong puntos na 92.95%.

Sinundan naman ito nina Ren Antoinette Leovido at Irene Mae Baldsano ng University of the Philippines – Los Banos sa 92.25% at 91.70%.

Ayon sa PRC, ang UP Los Banos ang itinanghal na top-performing school kung saan mayroong 117 sa 121 o 96.69% ang nakapasa sa lahat ng mga nagsulit.

Pinaalalahanan naman ang lahat ng mga nakapasa na magparehistro na sa pagbibigay ng kanilang professional identification card at certificate of registration mula Disyembre 5 hanggang 7, 2022.

Iaanunsyo naman ang petsa at lugar kung saan gaganapin ang oath-taking ceremony. RNT/JGC