112 arestado sa SACLEO sa Rizal

112 arestado sa SACLEO sa Rizal

April 19, 2022 @ 1:07 PM 2 months ago


RIZAL – Naaresto ng Rizal PNP ang nasa 112 indibidwal sa 7 araw na simultaneous anti-criminality law enforcement operation na naging resulta ng pinaigting na kampanya laban sa ibat ibang iligal na gawain.

Sabayang nagsagawa ng operasyon laban sa ibat ibang uri ng kriminalidad ang lahat ng Police Stations sa Probinsya ng Rizal na nag resulta ng mga sumusunod.

 Sa operasyon laban sa iligal na droga, Walumput limang (85) operasyon ang naisagawa na nag resulta ng pagkaka aresto sa isang daan labing dalawang (112) indibidwal at pagkaka kumpiska ng humigit kumulang sa 266.68 grams ng sbahu at 144.81 grams ng marijuana  na nagkakahalaga ng P1, 857.469.00.

 Samantala, sa iligal na sugal naman, animnaput walo (68)  ang naaresto sa isinagawang dalawampung (20) operasyon at pagkakakumpiska ng bet money na may kabuuang halaga na P10,024.

Sa operasyon naman laban sa mga wanted na tao, tatlumput tatlo (33) most wanted person ang naaresto kung saan anim (6) ang tinaguriang kabilang sa regional level, Labing apat (14) sa provincial level at labing tatlo (13) sa municipal level. samantalang tatlumput pito ( 37) ang kabilang s other wanted person.

Sa pinaigting na kampanya naman laban sa loose firearms nagkaroon ng tatlong (3) operasyon na nag resulta sa pagkaka aresto ng tatlong (3) suspect at pagkaka kumpiska sa tatlong baril.

 Ayon kay P/Col. Dominic Baccay Provincial Director ng Rizal PNP ,ang pagkakaroon ng ganitong regular na kampanya laban sa ibat ibang iligal na gawain ay mag re resulta ng isang ligtas, payapa at matiwasay na probinsya para sa mga Rizalenos. Rene Tubongbanua