1,120 arawang tawag natatanggap ng One Hospital Command- DOH official

1,120 arawang tawag natatanggap ng One Hospital Command- DOH official

January 13, 2022 @ 7:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Tumaas ang mga natatanggap na tawag sa coronavirus disease (COVID-19) referral hotline ng bansa, na umabot na sa 1,120 kada araw, ayon sa opisyal ng Department of Health nitong Huwebes.

Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na noong Setyembre, nasa 800 ang natatanggap na tawag kada araw ng One Hospital Command Center.

“Ngayon ang current po namin, nakakatanggap na po kami ng more than 1,120 calls, ano? Kakaiba talaga ito kasi ‘yung September calls natin on last wave, umabot na kami sa mga 780 to mga 800 calls,” pahayag niya sa Laging Handa briefing.

“Ito ngayong January, ‘yung mga tawag mostly on isolation facilities, home isolation, at saka kakaonti na ‘yung referrals namin, nasa mga 15% ‘yung referrals namin for the hospitals and intensive care unit services,” patuloy pa ng opisyal ng Health department.

Aniya, ang mga natanggap na tawag ng center noong Setyembre 2021 ay ukol sa ICU referrals at problema sa distribusyon ng oxygen supply. RNT/SA