1,122 bagong kaso ng COVID naitala

1,122 bagong kaso ng COVID naitala

November 20, 2022 @ 9:05 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa 4,024,956 ang bilang ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang madagdagan nitong Sabado, Nobyembre 19 ng 1,122 na bagong kaso.

Ang bagong kaso na iniulat ng DOH ay ang ikatlong araw na sunod na mas mababa sa 2,000.

Ang aktibong kaso na naitala ay bumaba sa 18,864 mula sa 19,267 noong Biyernes.

Sa nagdaang dalawang linggo, nananatiling ang National Capital Region ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong impeksyon na nasa 3,525.

Sinundan ito ng Calabarzon na may 2,058; Western Visayas na may 1,577; Central Luzon na may 1,193; at Central Visayas na may 1,114.

Ang recovery tally ay sumampa na sa 3,941,624 na may 1,551 bagong recoveries.

Tumaas din ang death toll sa 64,468 na may karagdagang 10 bagong namatay.

Noong Biyernes, ang national bed occupancy rate ay 23.2%, na may 6,583 okupado at 21,791 bakanteng kama.

Kabuuang 12,084 indibidwal din ang nasuri noong Biyernes habang 334 testing laboratories ang nakapagsumite ng datos. Jocelyn Tabangcura-Domenden