113 bagong kaso ng COVID naitala

113 bagong kaso ng COVID naitala

February 21, 2023 @ 6:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 113 bagong kaso ng coronavirus ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Lunes.

Batay din sa pinakahuling bulletin ng DOH, mayroong kabuuang 895 na bagong impeksyon sa COVID-19 ang naitala mula Pebrero 13 hanggang Pebrero 19, 2023. Mas mababa ang bilang na iyon ng 19% kumpara sa 1,101 bagong kaso na naiulat noong nakaraang linggo.

Ang kabuuang nationwide caseload ay sumampa na sa 4,075,545, ayon sa DOH daily bulletin.

Ang pinakahuling data ay nagpakita rin ng kabuuang 74 karagdagang na-verify na pagkamatay na may kaugnayan sa COVID-19 ang huli na naitala ng ahensya. Ang mga pagkamatay na ito ay naitala mula Hulyo 2020 hanggang Pebrero 2023.

Umabot sa 4,000,317 ang kabuuang recoveries ng bansa, habang 66,030 naman ang namatay.

Nanatiling ang Metro Manila ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na 14 na araw na may 440. Sinundan ito ng CALABARZON na sinundan ng 198, Davao Region na may 191, Western Visayas na may 102, at Central Luzon na may 72.

Ang COVID-19 bed occupancy sa bansa ay nasa mababang panganib pa rin na may 16.9%.

Samantala, mahigit 73 milyong Pilipino, o 94.59% ng target na populasyon ng gobyerno, ang ganap na ngayong nabakunahan laban sa COVID-19, ayon sa DOH. RNT