113 pagyanig naitala sa Taal sa 24 oras

113 pagyanig naitala sa Taal sa 24 oras

February 26, 2021 @ 11:04 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

BATANGAS – Nakapagtala ang PHIVOLCS, Biyernes, ng 113 pagyanig sa  Taal Volcano na tumagal ng isa hanggang 34 minuto sa nakalipas na 24 oras.

Mas mataas ito kumpara sa 69 pagyanig na naitala noong Huwebes na tumaga ng isa hanggang halos kalahating oras.

Sa pinakahuling bulletin ng PHIVOLCS, nagbuga ng mahinang steam-laden plumes ang main crater ng bulkan.

Nananatili ang Alert Level 1 sa Taal Volcano, na nangangahulugang posible ang biglaan paglalabas ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulations o pagbuga ng volcanic gas. RNT


  •  
  •  
  •