113 sementeryo, komulbaryo bantay-sarado sa NCRPO

113 sementeryo, komulbaryo bantay-sarado sa NCRPO

October 11, 2022 @ 12:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umaabot sa sampung libong police personnel ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga sementeryo at columbarium sa darating na Undas sa Metro Manila upang matiyak ang kaligtasan para sa paggunita ng mga namayapang mahal sa buhay o obserbasyon ng Undas.

Paiigtingin ang pagbabantay sa mga sementeryo,  mga terminal, pantalan, paliparan, pamilihan kagaya sa  Dimasalang sa Maynila kung saan dadagsa ang bibili ng mga bulaklak ; at Divisoria, Baclaran at Quiapo na kilalang bilihan ng kandila; at iba pang estratehikong lugar dahil inaasahan ang dagsa ng mga tao.

Sinabi ni NCRPO spokesman P/LTC Dexter Versola na magsisimula ang full deployment ng pulis sa Metro Manila sa Oktubre 31, at tatagal hanggang Nobyembre 2.

 

May ugnayan na rin aniya ang NCRPO sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Bureau of Fire Protection, local government units at force multipliers groups upang matiyak ang maximum security sa Lunsod.

Mahigpit na babantayan ngayon Undas ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office ang mahigit isang daang (113) sementeryo at columbarium sa Metro Manila. Dave Baluyot