11,500 indibidwal nawalan ng trabaho sa Alert Level 3 — Bello

11,500 indibidwal nawalan ng trabaho sa Alert Level 3 — Bello

January 19, 2022 @ 3:10 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Naireport ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa 11,500 indibidwal ang nawalan ng trabaho sa ipinatupad na Alert Level 3 sa ilang lugar.

Sa ANC interview, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hinahanda na nila ang financial assistance sa mga nawalan ng trabaho sa Metro Manila at iba pang lugar na napasailalim sa Alert Level 3.

“Although the estimate that there would be at least 100,000 to 200,000 workers that will be displaced because of the Alert Level 3, our experience, and I’m very happy to note, na as of yesterday, ang na-displace lang na workers because of Alert Level 3 ay 11,500 plus,” ani Bello.

Bukod dito, nasa 20,000 manggagawa naman ang may pinaikling working hours sa ilalim ng flexible working arrangement.

“Dahil nabawasan ang working hours nila, nabawasan ang kanilang kita, but the status of their employment is secured,” dagdag pa ni Bello. RNT/FGDC