1,158 bagong kaso ng COVID naitala

1,158 bagong kaso ng COVID naitala

December 11, 2022 @ 8:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 1,158 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health nitong Sabado, Disyembre 10.

Dahil dito ay bumaba sa 18,387 ang aktibong kaso ng sakit habang umakyat naman sa 4,047,878 ang overall tally nito.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nananatiling ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa 5,539, sinundan ng Calabarzon sa 2,237, Central Luzon sa 1,070, Cagayan Valley sa 801 at Western Visayas sa 792.

Umarangkada naman sa 3,964,635 ang kabuuang bilang ng mga gumaling at umakyat din sa 64,856 ang death toll sa sakit. RNT/JGC