115,980 PH COVID-19 cases, naitala; 3,462 dumagdag

115,980 PH COVID-19 cases, naitala; 3,462 dumagdag

August 5, 2020 @ 4:30 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tumaas pa ang bilang ng tinatamaan ng nakamamatay na COVID-19 sa bansa.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health ngayong araw, karagdagang 3,462 ang naidagdag para umabot na sa 115,980 ang kabuuang kaso sa bansa.

Ang mga lab result ay isinumite ng 84 mula sa 94 na licensed laboratories sa bansa.

Sa bilang ng naiatalang karagdagang kaso ngayong araw, 2,919 o 84% ay nangyari mula July 23 hanggang August 5.

Ang top regions na may mataas na kaso sa nagdaang dalawang Linggo ay ang NCR (2,083 o 71%), Region 4A ( 299 o 10%) at Region 3 ( 96 or3%).

Mula naman sa NCR (4 o 44%) ang mga nasawi, Region 7 (4 o 44%) at Region 11 (1 or 11%).

Nakapagtala naman ng 222 recoveries sanhi upang umabot na sa 66,270 ang gumagaling sa COVID-19.

Habang 9 ang nadagdag sa mga nasawi kaya’t nasa 2,123 na ang bilang ng mga pumanaw sa sakit.

Samantala, nasa 75 naman ang duplicates na inalis sa total; case counts.

Na-update rin ng DOH ang dalawang kaso kung saan ang isa ay nai-report na pumanaw ngunit napag-alamang nakarekober habang ang isa pa ay nai-report na nakarekober ngunit napag-alamang nasawi matapos ang isinagawanmg validation.

Ang nasabing mga kasong na-update ay napabilang na sa deaths and recoveries counts. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...