117K droga, RHVT tiklo sa Pasig

117K droga, RHVT tiklo sa Pasig

January 11, 2022 @ 4:47 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Tiklo ang isang regional high value target (rhvt) at daan libong halaga ng droga sa magkahiwalay na drug operation sa gitna ng umiiral na “gun ban” ng Comelec sa lungsod ng Pasig.

Kinilala ang mga naaresto na sina Reymond Lotino, 33-anyos, umano’y nasa No.9 Regional High Value Target ng drug database residente ng #66 Villa Monique, Esquerra St. at Juanito Hernandez, 32-anyos ng Evangelista Compd., kapwa ng Pasig City.

Unang nadakip dakong alas-6:30 ng gabi, Lunes, si Lotino ng mga operatiba ng anti-drug operations ng pulisya, sa kanyang tahanan at ika-2:55 ng hapon, Lunes, si Hernandez sa F. Soriano St., Brgy., Palatiw.

Nakumpiska kay Lotino ang 11.9 grams ng shabu na may halagang P80,920 habang P36,992 kay Hernandez na may 5.44 grams ng shabu mga buy-bust money at shabu paraphernalia.

Ayon sa pulisya, kahit naka-heightened alert ang pulisya sa Comelec gun ban sa nalalapit na national at local 2022 eleksyon, hindi ito dahilan para libre ang mga salot sa droga.

Nakapiit ang dalawa (2) sa detention cell at sasampahan ng kasong paglabag sa RA9165 section 5 at 11 sa Pasig City Court. Rene Tubongbanua