118 unibersidad, kolehiyo pinayagang magsagawa ng limited F2F classes

118 unibersidad, kolehiyo pinayagang magsagawa ng limited F2F classes

August 28, 2021 @ 10:28 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) na higit 100 higher education institutions (HEIs) sa buong bansa ang magsasagawa ng limitadong face-to-face classes.

Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, mayroong 118 HEIs ang pinayagang magkaroon ng limitadong face-to-face classes sa medical at allied health sciences.

Paliwanag pa nito, nakadepende ito sa paghahanda ng HEI.

Gayundin ay lilimitahan ang bilang ng estudyante na dadalo upang matiyak na naipatutupad ang social distancing at iba pang health protocols.

Sa buong bansa, nasa 13,000 estudyante aniya ang kumukuha ng allied health-related degree programs tulad ng Medicine, Nursing, Medical Technology/Medical Laboratory Science, Physical Therapy, Midwifery, at Public Health na pinayagan sa limited face-to-face classes.

Punto pa ni De Vera, kailangan munang mag-apply ng HEIs bago magsagawa ng face-to-face classes.

 “There are still pending [applications] because inspection for this is very meticulous and the approval is not very easy to get,” RNT/FGDC