1,189 kulong sa 850 buy-bust ops

1,189 kulong sa 850 buy-bust ops

January 25, 2022 @ 2:16 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Ibinahagi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nakapagsagawa ang gobyerno ng kabuuang 850 buy-bust operation.

Ito ay mula Enero 15 hanggang 21.

Naaresto naman rito ang 1,189 indibidwal.

Habang may kabuuang 28 suspek ang sumuko at apat naman ang napatay sa operasyon.

Tinataya namang may 4.8 kilo ng shabu at 947.9 kilo ng marijuana ang nakumpiska na may katumbas na P146.7 milyon. RNT/FGDC