119 live tarantulas na nakatago sa  rubber shoes nasabat ng BOC

119 live tarantulas na nakatago sa  rubber shoes nasabat ng BOC

October 30, 2020 @ 1:14 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)-NAIA ang may 119 buhay na gagambang “tarantula” makaraang tangkain itong ipuslit papasok ng bansa nito lamang isang araw.

Ayon sa BOC, nadiskubre ang mga nasabing gagamba na nakalagay sa loob ng rubber shoes makaraang magsagawa ng inspeksyon sa bodega ng DHL nitong Oktubre 28.

Ang naturang kargamento ay idineklarang “booty” o sapatos, na nanggaling sa isang “Michal Krolicki” mula Poland na ipinadala sa siang consignee na taga-General Trias, Cavite.

“Through the vigilance of Customs operatives and examiners, the package yielded suspicious images, and was subjected to physical examination. Customs examiners uncovered different species of live tarantulas in individual plastic vials,” saad ng BOC.

Ang nasamsam na specie ng gagamba ay inilipat na sa pangangalaga ng Department of Environment and Natural Resources Wildlife Traffic Monitoring Unit (DENR WTMU) para sa tamang pangangalaga at disposal nito.

Ang tarantula ay itinuturing na endangered wildlife species, at ang pangangalakal nito ay mahigpit na ibinabawal.

“Tarantulas are classified as endangered wildlife species, and illegal wildlife trading is penalized with imprisonment of six months and one day to one year and a fine of Php10,000.00 to Php200,000.00 pursuant to Republic Act (RA) No. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act); while unlawful importation is penalized with not less than thirty (30) days and one (1) day but not more than six (6) months or a fine of not less than Php25,000.00 but not more than Php75,000.00, or both, if the appraised value of goods unlawfully imported, including duties and taxes, does not exceed Php250,000.00 under Section 1401 of RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act),” saad pa ng BOC.   JAY Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...