11M Ukrainian refugees bumalik na sa kanilang bansa – EU

11M Ukrainian refugees bumalik na sa kanilang bansa – EU

March 11, 2023 @ 12:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Humigit-kumulang 16 milyong Ukrainians refugees ang dumating sa European Union (EU) noong 2022 kung saan 11 milyon sa kanila ang nakabalik na sa kanilang tinubuang-bayan, sinabi ng isang komisyoner ng EU noong Miyerkules.

“We have welcomed 16 million Ukrainians into the European Union [in 2022]. Eleven million have gone back to Ukraine again. Four million are still here. Another 1 million went further outside Ukraine, for example, to Canada, the US and the UK,” ani Ylva Johansson, ang EU commissioner for home affairs, sa isang news conference sa Brussels.

Binibigyang-diin niya na ang mga Ukrainians ay hindi umalis sa teritoryo ng EU dahil hindi sila masaya pero nais na nilang balikan ang kanilang pamilya habang ang iba ay nais makiisa sa digmaan kontra Russia. RNT