11th OFW & Family Summit 2022 itinakda sa Nob. 18, 2022

11th OFW & Family Summit 2022 itinakda sa Nob. 18, 2022

October 27, 2022 @ 1:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inimbitahan ni Sen. Cynthia A. Villar ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs), Seafarers, at kanilang pamilya na lumahok sa 11th OFW & Family Summit 2022 sa November 18, 2022.

Idaraos ang summit na may temang “BAGONG SIMULA SA SARILING BANSA,” sa The Tent, Vista Global South, C5 Extension Road, Las Piñas City.

Tatalakayin sa summit ang wise investments at mga negosyong maaring simulan ng OFW at miyembro ng kanilang pamilya.

Ipinahayag ng senador na kilala sa pangangalaga ng karapatan at kapakanan ng ating migrant workers na kailangan silang magparehistro para makalahok sa summit at raffle draw.

Aniya, magkakaroon ang mga lalahok ng pagkakataong manalo ng lupa at bahay, motorsiklo, pangkabuhayan showcase, home appliances at maraming iba pang premyo.

“Registration is a must. It also entitles an OFW or family to a raffle for the summit,” giit ni Villar.

Maaaring magparehistro sa pamamagitan ng mga sumusunod:

• Online registration sa http://ofwsummit2022.villarsipag.org/registration/;

• I-scan ang QR code sa flyer/poster ng summit at sundin ang instructions;

• Magtungo sa OFW & Family Summit Desk sa Vista Mall at Starmall branches sa buong kapuluan;

• On-site registration sa November 18, (Friday) para sa OFW o asawa, anak, magulang at kapatid ng OFW.

Kailangan ang mga sumusunod na dokumento sa pagpaparehiatro:

• Kopya ng passport at working visa ng OFW;

• Katibayan ng remittances;

• Seaman’s book;

• Job contract;

• Overseas employment certificate (OEC);

• Kopya ng katibayan ng relasyon sa OFW (Marriage Certificate, Birth Certificate, etc.);

• Katibayan ng na bakunado laban sa COVID-19 gaya ng vaccination card, vaccination certificate (VaxCert), o international certificate of vaccination (ICV) na may 1st dose at 2nd dose;

• Kung kamag-anak ang kakatawan sa dadalo OFW, dalhin ang mga sumusunod na karagdagang dokumento:

Asawa ng OFW – marriage certificate at valid ID

Anak ng OFW – birth certificate at valid ID

Magulang ng OFW (walang asawa)- birth certificate at valid ID

Kapatid ng OFW (walang asawa)- birth certificate at valid ID

Hintayin ang verification sa inyong email o mobile para makadalo sa summit at makasama sa raffle.

Para sa karagdagang detalye, tumawag sa 09157413288; 09176564539; 09278478408

Maaari ring na bumisita sa www.facebook.com/VillarSiPAG | www.facebook.com/OFWandFamilyPage/ | www.villarsipag.org at email sa : ofwdeskosvillar@gmail.comErnie Reyes