12.1M Pinoy tapos na sa  Nat’l ID Step 2 registration

12.1M Pinoy tapos na sa  Nat’l ID Step 2 registration

June 4, 2021 @ 1:49 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Higit 12 milyong Filipino na ang nakakumpleto ng pangalawang hakbang sa pagpaparehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys) o National ID, batay sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Binubuo ng Step 2 ang koleksyon ng biometric data tulad ng fingerprint scans, iris scans, at front-facing photograph sa local registration centers.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, pinapalawag pa nila unti-unti ang Step 2 registration.

Maaalalang noong nakaraang buwan binuksan ng PSA ang kanilang online portal para sa Step 1 registration.

“Registration process is stable… [We’re seeing] more than 100,000 registrants per day,” lahad ni Mapa. RNT/FGDC