12.2K pamilya inilikas na sa #OdettePH

12.2K pamilya inilikas na sa #OdettePH

December 16, 2021 @ 11:02 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Inilikas na ang nasa 12,237 pamilya sa mga rehiyong posibleng daanan ng bagyong Odette, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa 8 a.m. update, katumbas nito ang 45,383 indibidwal kung saan 4,615 pamilya ang galing sa Eastern Visayas at 7,622 naman sa Caraga.

Inireport din ng NDRRMC ang 3,891 pasahero kasama ang 1,745 rolling cargo, 22 vessels, at tatlong motorbanca na stranded sa Calabarzon, Region 5, Region 6, Region 8, at Caraga region.

Habang nasa 36 pantalan naman ang non-operational o nagsuspinde ng mga biyahe dahil sa sama ng panahon. RNT/FGDC