12.2M pamilyang Pinoy, naniniwalang sila’y mahirap

12.2M pamilyang Pinoy, naniniwalang sila’y mahirap

October 10, 2018 @ 9:34 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Lumabas sa resulta ng sarbey na 52% o katumbas ng 12.2 milyong pamilyang Pinoy ang naniniwalang sila ay mahirap, ayon sa ulat na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) ngayong Miyerkules.

Ayon sa resultang inilabas ng SWS, 52% ng 1,500 respondents sa isinagawang survey noong September ang naniniwalang sila ay mahirap. Ang naturang bilang ay ang pinakamataas simula noong kaparehong 52% noong December 2014.

Nakita rin sa isinagawang sarbey na bukod sa 52% na naniniwalang sila ay mahirap, 8% din ang “newly-poor” at hindi naman mahirap noong nakalipas na isa hanggang apat na taon habang 6% naman ang hindi naman dating mahirap nitong nakalipas na lima o mahigit pang taon.

Ang natitirang 39% ay nagsabing mahirap na talaga sila noon pa, ayon sa SWS.

Ang 52% na bilang ay ang pangalawang magkasunod na pagtaas ng self-rated poverty sa bansa kung saan 42% lamang ito noong March at 48% nitong June.

Tumaas ang self-rated poverty ng sampung puntos sa pagitan lamang ng March at September 2018./Remate News Team