12 anyos, bebot tusta sa sunog sa Las Piñas

12 anyos, bebot tusta sa sunog sa Las Piñas

April 28, 2022 @ 9:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang dalawang indibidwal sa sunog na sumiklab sa Leo Street, Barangay Talon Tres sa Las Piñas City, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Angelita Sopelanas, 44, at Steve Sopelanas, 12 taong gulang.

Ayon sa mga opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP), natagpuan ang labi ng mga biktima malapit sa banyo.

Nagsimula ang sunog dakong alas-3:44 ng madaling araw at tumagal ng mahigit isang oras.

Idineklara ng mga opisyal ang fire out dakong 4:02 a.m.

Sinabi ng BFP na isang bahay lamang ang naabot ngunit limang pamilya ang apektado.

Hindi pa matukoy ng mga opisyal ang halaga ng pinsala, ang sanhi ng sunog at ang bilang ng mga nasugatan. RNT