12 bayan sa Leyte inatake ng E. Coli contamination

12 bayan sa Leyte inatake ng E. Coli contamination

January 25, 2022 @ 11:45 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Governor Damian Mercado na hindi bababa sa 12 bayan sa Leyte ang inaatake ng bacterial contamination.

Sinabi ni Mercado na kasalukuyan nang nagsasagawa ang lokal na gobyerno ng pag-aaral sa lawak ng kontaminasyon ng E. Coli sa suplay ng tubig sa Leyte na bunsod ng hagupit ni bagyong Odette.

Samantala, inabisuhan naman ng Department of Health sa eastern Visayas ang mga apektadong residente na pakuluan muna ang kanilang inuming tubig para mapatay ang bacteria.

Ang E. Coli ay isang bacteria na maaaring makapagdulot ng pananakit ng tsyan, pagsusuka, at diarrhea. RNT