12 durugista timbog sa winasak na drug den sa SJDM buy-bust

12 durugista timbog sa winasak na drug den sa SJDM buy-bust

January 4, 2023 @ 4:54 PM 1 month ago


Bulacan – Arestado ang 12 indibiduwal matapos salakayin at mabuwag ang drug den sa anti-illegal drugs operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang mga suspek na sina Dominick Torente, 20, Edwin Diaropa, 45, Marvin Aguas, 35, Raymond Barro, 36, Carolyn Broto, 32, Crizaldy Cabrera, 40, Jobert Baccay, 30, Jose Arca, 29, Bernardo Tenerife, 56, Jefferson Estandian , 32, Ricardo Gonzales, 60 at Victor Evangelista, 45.

Sa report ni SJDM chief of police PLt. Col. Ronaldo Lumactod Jr, ikinasa ang operasyon bandang 9:00 ng gabi nitong Martes sa Barrio Mausok Compound, Area B Purok 1, Brgy. Bagong Buhay 1.

Natagpuan sa lugar ang mga drug paraphernalia, marked money, 33 sachets na pinaghihinalaang shabu na may estimated value na P26,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III