12 Gabinete, 2 commissioner, nalampasan ng CA sa kakulangan ng oras – Zubiri

12 Gabinete, 2 commissioner, nalampasan ng CA sa kakulangan ng oras – Zubiri

September 29, 2022 @ 9:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Labindalawang kalihim kasama ang 2 commissioners kailangan humingi ng panibagong mandato mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos silang malampasan sa kumpirmasyon ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA)sanhi ng kakapusan ng panahon, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

Ayon kay Zubiri, nalampasan ang interim appointments nina:

  • Press Secretary Trixie Cruz-Angeles

  • Energy Secretary Raphael Perpetuo Lotilla

  • Finance Secretary Benjamin Diokno

  • Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar

  • Information and Communications Technology Secretary Ivan John Enrile Uy

  • Migrant Workers Secretary Maria Susana Ople

  • Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan

  • Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr.

  • Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo

  • Trade Secretary Alfredo Pascual

  • Transportation Secretary Jaime Bautista

  • National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan

  • Commission on Audit Chairman Jose Calida

Kabilang sa nalampasan si Nelson Java Celis bilang commissioner ng Commission on Elections.

Ayon kay Zubiri, kasama dito si Victor Rodriguez bilang Executive Secretary pero nagbitiw na ito sa tungkulin.

“All the Secretaries, not just Sec. Tulfo and Sec. Bonoan who have not been confirmed, will have to seek a reappointment by the President as they would all be considered bypassed,” ayon kay Zubiri sa Viber message sa reporters.

“There was a lack of material time. Minus two secretaries na kanina at natapos na kami sa CA plenary at 5pm which ate into our Senate session at 3 p.m. If we pursued Sec. Tulfo and Bonoan, we would have finished at 7 p.m. and would have started the Senate session at 7:30 pa. Hindi puwede yan as we had to ratify two important bicam reports na magiging batas na. We cannot also sacrifice our work in the Senate,” ayon kay Zubiri.

Kapag hindi nakumpirma ng CA ang ad interim appointment ceases ng isang nominado bago mag-adjourn ang Kongreso, kailangan nitong humingi ng panibagong mandato sa Pangulo hanggang sa pagbubukas ng sesyon ng dalawang kapulungan. Ernie Reyes