12 Mindanao Revolutionaries pinadedeklarang bayani

12 Mindanao Revolutionaries pinadedeklarang bayani

August 30, 2022 @ 6:58 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kasabay ng selebrasyon ng National Heroe’s Day, isang panukala ang inihain ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez na nagsusulong na ideklarang bayani ng bansa ang 12 revolutionaries mula sa Mindanao na nanguna sa pakikipaglaban laban sa pananakop noon ng Spaniards at Amerikano.

Sa House Bill 1461 o Mindanao Heroes Declaration Act ni Rodriguez ay kabilang sa pinadedeklarang bayani sina General Nicolas Capistrano; Colonel Velez; Captain Vicente Roa;Simeon Ledesma;Rufino Delosa;Capitan Daligdig; Simon Gonzales; Wenceslao Gonzalez General Vicente Alvarez, Datu Uta; Datu Ali at Amai Pakpak.

Ayon kay Rodriguez hindi man nagpartisipa sa actual combat ang mga nabanggit subalit ang kanilang pakikibaka laban sa mga Espanyol ay naging malaking kontribusyon para makamit ang kalayaan.

“These heroic wars waged by our Muslim brothers sapped and diminished the military strength and divided the attention of the Spanish authorities. The Muslim resistance led the strengthening of the Katipunan because without the military campaign in Mindanao, there would have been more than enough Spanish forces in Manila to check the Katipunan,”ani Rodriguez.

Nakapaloob sa panukala ang mandato sa National Historical Commission na magsagawa ng full-blown research gayundin ang pag-publish ng libro patungkol sa naging buhay ng mga nabanggit at pagpapatayo ng rebulto o historical markers para sa mga ito.

“Revolution is change and change is a process, in short, a revolution does not happen at a flick of fingers, but develops until it matures. The Moro resistance, raids and piracies therefore , were the Moro contributions in the fight against the colonizers that reached the climax in the Philippine Revolution of 1896,” dagdag pa ni Rodriguez.

Sa oras na maisabatas ay maglalaan ng P30M budget para sa NHC. Gail Mendoza