12 na traffic enforcer, positibo sa paggamit ng iligal na droga

12 na traffic enforcer, positibo sa paggamit ng iligal na droga

July 5, 2018 @ 2:43 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Isang dosenang mga traffic enforcer at sidewalk cleaner ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga ayon isang opisyal.

 

Ani pa ni MMDA general manager Jojo Garcia sa isang press conference, sa ginawang drug test ng ahensiya, anim sa mga personnel na may kontrata o job order, ay pinatalsik na agad sa puwesto.

 

Ang anim pa na natitira na regular na empleyado ay sumasailalim pa rin sa  imbestigaston.

 

Hindi naman pinangalanan ni Garcia ang mga nagpositibo sa test pero sinabi niya na karamihan sa mga ito ay traffic enforcers habang ang iba naman ay kabilang sa MMDA’s Sidewalk Clearing Operations Group.

Dagdag pa ni Garcia, hindi nila puwedeng tanggalin agad ang anim na regular employees dahil mayroon silang karapatan na sumailalim sa due process, “but I’m very positive they will be terminated.”

Ipinasa na rin ni Garcia ang kaso sa Philippine National Police kung saan sila ang magbibigay ng charges laban sa mga personnel.

Isinagawa ng MMDA ang drug test sa 1,000 na empleyado noong May at June. (Remate News Team)