12 nadakma sa iligal na sugal sa Caloocan, Malabon

12 nadakma sa iligal na sugal sa Caloocan, Malabon

April 24, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang 12 katao sa isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operations ng pulisya sa Caloocan at Malabon.

Ayon kay PSSg Paul Colasito, unang nagtungo sa opisina ng Northern Police District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangsiwa ni PLt. Col. Jay Dimaandal ang mga tauhan ng Games and Amusement Board (GAB) at nagbigay ng impormasyon hinggil sa nagaganap na illegal gambling game na kilala bilang “Bookies\Karera ng kabayo” sa Libis Talisay, Brgy. 12, Caloocan City.

Agad pinuntahan ng mga tauhan ng DSOU, kasama ang mga tauhan ng GAB ang naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto kay Rocky Javier, 38, bookies karera teller at Bread Luster Namit, 34, street dweller (bettor) dakong alas- 7:30 ng gabi.

Narekober sa mga dinakip ang 2 ballpen, 1 calculator, 1 dividendado, 1 42’ inches Prestiz Led TV, ilang bet list at P530.00 bet collection.

Sa Malabon, dakong ala-una ng madaling araw nang magsagawa naman ng joint operation ang mga operatiba ng Malabon Police Intelligence Section at Sub Station 6 matapos ang natanggap na impormasyon mula sa Barangay Information Network (BIN) hinggil sa ongoing illegal gambling activity na kilala bilang “Illegal Pool Betting” sa 2nd St. Brgy., Tañong.

Natimbog sa operasyon sina Alejo Sito, 51, Jimeffer Abayon, 36, Allan Real, 29, Jerry Adolfo, 25, Andrian Vicente, 42, Noriel Peña, 40, Leimar Vien Angelo Navarro, 24, Mark Joseph Agulto, 35, Marvin Macalino, 41, at Mael Delos Santos, 47.

Ayon kay PSSg Mardelio Osting at PSSg Diego Ngippol, nakumpiska sa mga dinakip ang isang billiard pool set at P7,500 bet money. Boysan Buenaventura