12 nanalong senador sa 2022 Elections, nai-proklama na!

12 nanalong senador sa 2022 Elections, nai-proklama na!

May 18, 2022 @ 5:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 nanalong senador sa 2022 local and national elections.

Bago ito, ipinagmalaki ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan ang matagumpay na pagdaraos ng halalan noong Mayo 9 sa kabila ng mga aberya.

Sa kabila ng mga protesta dahil sa alegasyong pandaraya at vote-buying, sinabi ni Pangarungan na tinanggap ng mayorya ng taumbayan ang 2022 Elections na matapat, maayos, at mapayapa sa pangkalahatan.

“I am proud to say that the Commission on Elections has successfully defended the sovereign right of the people to the democratic process of elections,” ani Pangarungan sa kanyang talumpati.

“Even as we look into the reports of VCM errors and a few other glitches in this election, I trust that the Commission en banc shall continually improve on the election process,” dagdag niya.

Samantala, present ang lahat ng 12 senador sa proclamation ceremony na ginanap sa PICC Forum Tent sa Pasay City.

Pinangunahan ng Comelec en banc, na binubuo nina chairman Saidamen Pangarungan,  Commissioners George Garcia, Rey Bulay, Aimee Ferolino, Aimee Torrefranca-Neri, Marlon Casquejo, at Socorro Inting, ang pagpipresenta ng certificates of proclamation sa mga senador na sinimulan kay Senator-elect Jinggoy Estrada na nasa ika-12 pwesto hanggang sa nangungunang si Robin Padilla.

Narito ang official votes ng tinaguring “Magic 12”:

  1. Robin Padilla – 26,612,434 votes

  2. Loren Legarda – 24,264,969 votes

  3. Raffy Tulfo – 23,396,954

  4. Sherwin Gatchalian – 20,602,655

  5. Francis “Chiz” Escudero – 20,271,458

  6. Mark Villar – 19,475,592

  7. Alan Cayetano – 19,295,314

  8. Juan Miguel Zubiri – 18,734,336

  9. Joel Villanueva – 18,486,034

  10. JV Ejercito – 15,841,858.

  11. Risa Hontiveros – 15,420,807

  12. Jinggoy Estrada – 15,108,625

Samantala, hindi pa kasama rito ang botong makukuha mula sa 1,991 Filipino voters sa Shanghai, China at 685,643 mga boto sa Lanao del Sur.

Pormal na mauupo sa puwesto ang mga bagong halal na senador sa Hunyo 30, 2022. RNT/ JCM