12 nawawala sa Catanduanes sa bagyong Quinta – NDRRMC

12 nawawala sa Catanduanes sa bagyong Quinta – NDRRMC

October 26, 2020 @ 1:46 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 12 indibidwal ang nawawala sa Catanduanes dahul sa bagyong Quinta.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Cashean Timbal, titingnan pa nila ang detalye tungkol dito.

Mga mangingisda aniya ang nawawala na mula sa Barangay Pananogan, Bato; Barangay Cagdarao, Panganiban at Barangay Poblacion District III, Gigmoto sa Catanduanes.

Tinataya namang nasa 2,475 pamilya o 9,235 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.

Karamihan sa kanila ay mula sa Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan (Mimaropa), Bicol Region at Cordillera Administrative Region.

Kasalukuyan namang nasa evacuation center ang 1,503 pamilya o 5,704 indibidwal.

“(Some) 3,254 persons or 968 families were also evacuated but opted to stay in other places outside the flood, landslide, storm-surge, lahar-prone areas, usually with their other relatives,”  punto ni Timbal. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...