12 patay sa COVID sa Caloocan; 1 sa Malabon

12 patay sa COVID sa Caloocan; 1 sa Malabon

June 3, 2021 @ 10:25 AM 2 years ago


Manila – Labingdalawa ang patay sa Caioocan City dahil sa COVID-19 nitong Hunyo 2 habang isa naman ang binawian ng buhay dahil sa pandemya sa nasabi ring petsa.

Pumalo na sa 32,740 ang total confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 30,809 na ang gumaling , 960 na ang namatay at 971 naman ang active cases.

Samantala, pumanhik naman sa 441 ang COVID death toll sa Malabon.  Bukod dito, 22 ang nadagdag na confirmed cases at sa abuuan ay 13,133 na ang positive cases sa siyudad,  157 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, apata na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 12,535 na ang recovered patients ng Malabon. adsfda

Wala namang naiulat na natodas sa Navotas at nanatiling 359 ang pandemic fatalities sa lungsod.  Umakyat naman sa 10,848 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, kung saan 10,384 na ang gumaling at 105 ang active cases mataspos na pito ang gumaling ngunit 14 naman ang magpositibo sa virus.

Wala ring naitalang na namatay dahil sa COVID sa Valenzuela at nanatiling 495 ang COVID casualties ng lungsod.  Nai-record naman ang 444 na active cases matapos na  82 ang gumaling ngunit 115 naman ang magpositibo.  18,869 na sa 19,808 confirmed COVID cases sa lungsod ang nakarekober. Merly Iral