12 patay sa Leptospirosis; 75 kaso sa Calabarzon naitala

12 patay sa Leptospirosis; 75 kaso sa Calabarzon naitala

August 26, 2019 @ 9:36 PM 2 years ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of Health (DOH) sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) ang mga residente na mag-doble ingat kasunod ng tumataas na bilang ng kaso ng leptospirosis sa rehiyon.

Sa ngayon ay umabot na sa 75 kaso ang naitala kung saan 12 ang namatay.

Inatasa ni DOH Calabarzon regional director Eduardo C. Janairo ang mga local health official at mga local leader na amgsagawa ng kinakailangang hakbang para mapigilan ang paglala ng sakit na leptospirosis at ng dengue outbreak dahil sa panahon ng tag-ulan.

“Leptospirosis just like dengue is fatal but also preventable. All we need is to clean our surroundings, be sure that our garbage is well-attended and improve flood control measures in the community,” ani Janairo.

Pinalalahanan rin ni Janaito ang mga magulang ng batang mahilig maglaro sa labas ng bahay tuwing tag-ulan para maiwasan ang leptospirosis.

 “If we have no business to go outside our homes, it is best to stay inside and be safe,” dagdag pa nito.

Base sa datos ng DOH Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) nakapagtala na ng 75 leptospirosis cases sa CALABARZON mula Jan. 1 hanggang Aug. 17, ngayong taon.

Ngunit, ito ay 62 porsyentong mas mababa kumpara sa 199 recorded cases na naitala noong 2018 sa kaparehong panahon.

Sa 75 kaso naitala ang 18 kaso ng sakit sa Cavite habang dalawa naman ang naitalang patay; Laguna na may 14 cases at isang patay; batangas na may 9 na kaso at 2 patay, habang wala namang naitatala sa Quezon.

Habang sa Rodriguez, Rizal ay nakapagala ng 9 na kaso, at anim na kaso naman sa San Mateo, Rizal; sa Binan City sa Laguna at sa Dasmariñas City sa Cavite ay nakapagtala naman ng tig-limang kaso.

Nasa edad 1 hanggang 72 anyos naman ang mga nabiktima. Remate News Team


  •  
  •  
  •