12 PBA players isinalpak sa Gilas

12 PBA players isinalpak sa Gilas

August 17, 2022 @ 2:11 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Labindalawang manlalaro mula sa PBA ang nadagdag sa Gilas Pilipinas pool na isasabak sa ikaapat na window ng 2023 FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers na itinakda sa huling bahagi ng buwang ito, ayon sa SBP.

Sila ay sina Scottie Thompson, Arvin Tolentino, at Japeth Aguilar ng Ginebra; Sina June Mar Fajardo at CJ Perez ng San Miguel; Meralco’s Chris Newsome, Allein Maliksi, and Raymond Almazan; Magnolia’s Jio Jalalon and Ian Sangalang; Robert Bolick ng NorthPort; at Roosevelt Adams ng Terrafirma.

Makakasama nila ang unang eight-man pool na kinabibilangan ng Utah Jazz star na sina Jordan Clarkson, Kiefer at Thirdy Ravena, Dwight Ramos, Bobby Ray Parks Jr., Carl Tamayo, Francis Lopez, at Kevin Quiambao.

Magpapalakas din sa koponan si Filipino wunderkind Kai Sotto habang ang tatlo pang PBA cagers—Jaime Malonzo, Kevin Alas, at Calvin Oftana—ay nadagdag kamakailan sa pool.

Ang Gilas, na kasalukuyang nasa ika-apat na pwesto sa Group E na may 2-2 karta, ay nagsimula nang mag-ensayo noong Lunes sa Meralco Gym sa Pasig City.

Magiging mahirap ang kanilang laban kotnra Lebanon sa Agosto 25 sa Beirut bago labanan ang Saudi Arabia sa ika-29 sa Mall of Asia Arena.JC