12 senador perfect attendance

12 senador perfect attendance

January 22, 2023 @ 11:41 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng perfect attendance ang 12 sa 24 na senador sa first regular session ng 19th Congress.

Ayon sa rekord ng Senado, naitala ang perfect attendance sa lahat ng 39 plenary sessions mula Hulyo 25 hanggang Disyembre 14, 2022 sina:

Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senate Minority Leader Koko Pimentel, and Senators Bato dela Rosa, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Bong Go, Risa Hontiveros, Loren Legarda, Robin Padilla, at Bong Revilla.

Samantala, sina Senador Francis Escudero at Mark Villar naman ang may pinakamataas na bilang ng pagliban sa mga senador na may tig-pitong absent.

Ani Escudero, dalawa sa kanyang absences ay dahil sa local official missions, habang ang anim naman sa pagliban ni Villar ay dahil sa official missions abroad.

Mayroon namang limang absent si Senador Alan Peter Cayetano at lima kay Senador Nancy Binay.

Sa kabilang banda, nakapagtala rin ng apat na absences si Senador Imee Marcos at tatlo sa mga ito ay official missions abroad umano.

Apat din sa absences ni Senador Francis Tolentino ay official overseas missions.

Nakakuha naman ng isa hanggang dalawang absences ang iba pang senador katulad nina Sonny Angara, Pia Cayetano, Lito Lapid, Grace Poe, Raffy Tulfo, at Cynthia Villar. RNT/JGC