12 senador, pumabor sa imbestigasyon vs PCOO ‘troll farms’

12 senador, pumabor sa imbestigasyon vs PCOO ‘troll farms’

July 12, 2021 @ 7:33 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Labing dalawang senador ang lumagda sa isang resolusyon upang paiimbestigahan ang sinasabing gumastos ng pampublikong pondo ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang tustusan ang troll farms nito na naghahasik ng fake news at maling impormasyon sa social media.

Sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III, lumagda din sa Senate Resolution No. 768 sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Minority Leader Franklin Drilon, and Senators Nancy Binay, Leila de Lima, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Panfilo Lacson, Emmanuel Pacquiao, Francis Pangilinan, Grace Poe at Joel Villanueva nananawagan sa kinauukulang komite na magsagawa ng imbestigasyon sa sinasabing state-backed at state-funded na tagapagkalat ng fake information na lubhang nakaapekto sa milyong Filipino.

“Filipinos should know why government spends public funds on troll farm operators disguised as ‘public relations practitioners’ and ‘social media consultants’ who sow fake news rather than on Covid-19 assistance, health care, food security, jobs protection, education, among others,” ayon sa resolution.

Iginiit ni Pangilinan, pangunahing inaatake ng troll farms, na lubhang nakakasagabal ang misinformation at fake news sa pagsugpo ng bansa sa COVID 19 pandemic.

“Hindi natin pwedeng hayaang ginagamit ang pera ng taumbayan para manira at mang-harass ng mga taong pumupuna sa gobyerno. Masama ito sa demokrasya, lalo na sa papalapit na halalan sa susunod na taon, “ aniya.

Naunang ibinulgar ni Lacson na may isang undersecretary ng gobyerno ang nag-oorganisa ng troll farm sa palibot ng bansa na tutudlain ang kalaban sa pulitika at mga hindi nakasuporta sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Kamakailan naman, ibinigay ng Department of Finance ang halagang P909, 122 communication consultancy contract sa isang public relations practitioner na natuklasan ng Facebook na isa sa operator ng pro-Duterte fake account network na tinanggal ng Facebook noong Marso 2019.

“A social media troll is “someone who creates conflict on sites like Twitter, Facebook, and Reddit by posting messages that are particularly controversial or inflammatory with the sole intent of provoking an emotional response from other users,” ayon sa resolusyon.

Sinabi ng mga senador na hindi dapat balewalian ito dahil maraming Filipino ang gumagamit ng social media sites tulad ng Facebook kaya lubha silang maaapektuhan ng pekeng impormasyon.

Advertising firms We are Social and Hootsuite, in their 2020 annual report, found that Filipinos spend an average of four hours and 15 minutes each day on social media – topping the world rankings for the sixth straight year. The Philippines is also highest in the world in internet usage with an average of 10 hours and 56 minutes,” ayon sa resolusyon.

“Pagsisinungaling ang trolling. Masama ito lalo na dahil sa darating na halalan. Kung mahalal ang bagong presidente at ibang opisyal dahil sa pekeng impormasyon, magkakaroon tayo ng pekeng presidente at opisyal,” ayon kay Pangilinan.

“Dapat mag-invest sa totoong farms ng mga gulay at prutas, hindi sa troll farms,” dagdag ng senador. Ernie Reyes