12 sugatan sa PAL flight sa matinding turbulence

12 sugatan sa PAL flight sa matinding turbulence

August 30, 2022 @ 9:01 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sugatan ang 12 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) sa nangyaring turbulence.

Sinabi naman ng PAL na sasagutin nito ang mga gastusin sa pagpapagamot ng mga pasahero ng Flight PR113 na byaheng pa-Maynila mula Los Angeles noong Linggo.

Sugatan ang 9 na pasahero at 3 tripulante.

Pagdating sa Maynila, agad na dinala sa ospital ang mga sugatang pasahero at tripulante.

“As of 10 a.m. today August 29, one passenger remains confined at the hospital, while the others have been discharged after treatment,” ayon sa anunsyo ng PAL.

“We are in the process of reaching out to the affected passengers and coordinating passenger wellness. This turbulence was not detectable on the aircraft’s onboard weather radar system, hence there was no advance warning. We affirm that safety is our top priority and that Philippine Airlines is fully cooperating with the concerned airport and aviation authorities,” dagdag pa ng flag carrier. RNT