12 tigok sa COVID sa Malabon, Navotas, Valenzuela

12 tigok sa COVID sa Malabon, Navotas, Valenzuela

April 8, 2021 @ 8:49 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Anim ang natodas sa Navotas dahil sa COVID-19 nitong Abril 6 at 1,438 na ang active cases sa lungsod matapos na 40 ang magpositibo at 56 ang gumaling.

Umakyat na sa 8,978 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, kung saan 7,276 na ang gumaling at 264 na ang namatay.

Apat naman ang namatay sa Valenzuela at 1,006 ang active cases hanggang nitong Abril 7 at 1,006 ang active cases matapos na 66 ang magpositibo at 192 ang gumaling.

Sumampa na sa 13,883 ang tinamaan ng COVID sa lungsod at sa bilang na ito ay 12,537 na ang nakarekober at 320 na ang namatay.

Nadagdagan naman ng dalawa ang COVID death toll ng Malabon na 348 na nitong Abril 7.

Maliban dito ay 108 ang nadagdag na confirmed cases ngayong araw at sa kabuuan ay 10,252 na ang positive cases sa lungsod, 961 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, 230 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at 8,943 na ang recovered patients ng siyudad.

Nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga kumpirmadong kaso sa Barangay Baritan dahil napag-alamang ang mga ito ay taga-Quezon City. Mula 455 ay magiging 453 na lamang ang mga kumpirmadong kaso sa Barangay Baritan.

Habang isinusulat ito ay wala pang inilalabas na updates sa kanilang COVID cases ang Caloocan City. Merly Iral


  •  
  •  
  •