120 supporters ng NPA, kumalas sa rebeldeng grupo

120 supporters ng NPA, kumalas sa rebeldeng grupo

March 30, 2022 @ 2:57 PM 3 months ago


FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija – Kasabay ng ika-53 taong anibersaryo ng New People’s Army (NPA) nitong Marso 29, aabot sa 120 taga-suporta ng NPA ang nagpahayag ng kanilang pagbawi ng suporta sa rebeldeng grupo.

Malugod namang tinanggap ni Philippine Army Major General Andrew Costelo, commander ng 7th Infantry Division, ang 120 indibiduwal na mga miyembro umano ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) at Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM) sa isang withdrawal of support ceremony na ginanap sa Barangay Bonifacio sa bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija, nitong Martes.

Naging facilitator naman ang mga sundalo ng 84th Infantry Battalion sa pagtanggap sa 120 miyembro ng LMB at PKM, na katuwang na sinaksihan ng Local Government Unit at Municipal Police Station ng nasabing bayan, at ng 2nd Provincial Police Mobile Force.

Sa seremonya, isang panunumpa ng katapatan sa pamahalaan ang isinagawa ng mga kalahok, kasunod ng pagsunog nila sa mga Watawat ng CPP-NPA-NDF, na sumisimbolo sa pagkaputol ng kanilang ugnayan at suporta sa komunistang grupo na kumokondena rin sa mga kalupitan na ginawa ng Communist Terrorist Groups(CTG) sa mga nagdaang taon.

Ang seremonyal na paglalagay ng mga puting lobo ay bahagi rin ng aktibidad na nagsasaad ng kapayapaan at kalayaan umano mula sa mga kasinungalingan, panlilinlang, at pagsasamantala ng CTG sa masa.

Sa kanyang testimonya sa programa, sinabi ni Emma Saclamitao, isang LMB Leader sa bayan ng Cuyapo, na niloloko umano sila ng legal front organization ng CTGs para lumahok sa isang kilusang masa laban sa gobyerno na ino-orkestra ng Communist Affiliated Mass Organization. Ver Sta. Ana