1,200 COVID case ngayong Linggo, posible-OCTA

1,200 COVID case ngayong Linggo, posible-OCTA

December 18, 2022 @ 3:17 PM 1 month ago


Maaring umabot sa 1,200 ang mga naitalang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas batay sa projection ng OCTA Research  Group.

Sinabi ni OCTA Research fellow na si Dr. Guido David sa kanyang tweet nitong Sabado na ang mga bagong impeksyon ngayong Linggo ay maaaring mula 1,000 hanggang 1,200.

Ito ay makaraang makapagtala ang DOH ng 1,196 na  bagong kaso nhlg Covid-19 nitong Sabado na nagdala sa aktibong kaso 18,262.

Sinabi ni David na ang nationwide positivity rate – o ang porsyento ng mga taong nagpositibo para sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri – ay nasa 12.5%.

Sa pinakahuling datos ng DOH,  nagpakita na ang National Capital Region ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga bagong impeksyon sa nakalipas na dalawang linggo na may 5,945 na kaso.

Sinundan ng Calabarzon na may  2,498; Central Luzon na may 1,222; Cagayan Valley na may 716; at Western Visayas na may 706.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)