1,200 Pinoy workers kailangan sa Israel, buwanang sahod aabot sa P80K

1,200 Pinoy workers kailangan sa Israel, buwanang sahod aabot sa P80K

November 18, 2022 @ 9:49 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – May alok na mahigit 1,200 trabaho ang Israel para sa mga Filipino.

Ito ang sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) kung saan ang trabaho ay bukas para sa mga hotel workers at housekeepers.

Aabot naman sa hanggang P80,000 kada buwan ang sahod maliban pa sa mga benepisyo.

Paalala naman ng DMW, para maiwasan na ma-scam ng mga illegal recruiters ay magpasa lamang ng aplikasyon sa mga lehitimong plataporma.

Dagdag pa, ang aplikasyon ng mga nais magtrabaho ay libre sa pamamagitan ng online registration bago magtungo sa opisina ng DMW.

Dapat ay mayroong TESDA National Certificate (NC 2) ang isang aplikante.

“Ang atin pong initiation ng ating application of course online. Kinakailangan lang po sundin natin yung mga requirements,” pahayag ni Bernard Olalia, DMW Undersecretary for Licensing and Adjudication Services. RNT/JGC