12,000 trabaho, kakalusin ng Google

12,000 trabaho, kakalusin ng Google

January 21, 2023 @ 11:48 AM 1 week ago


NEW YORK, United States- Inanunsyo ng parent company ng Googlr na Alphabet ang halos 12,000 job cuts sa buong bansa nitong Biyernes, dahil umano sa pagbabago sa “economic reality”.

Ito ay kasunod ng pahayg ng Micrisoft na babawasan nito ang bilang ng staff ng 10,000 sa mga susunod na buwan, kasunod ng sa Facebook owner Meta, Amazon at Twitter dahil sa hamon ng major economic downturn.

“Over the past two years we’ve seen periods of dramatic growth. To match and fuel that growth, we hired for a different economic reality than the one we face today,” pahayag ni Alphabet CEO Sundar Pichai sa email sa mga empleyado nito.

“We’ve undertaken a rigorous review across product areas and functions to ensure that our people and roles are aligned with our highest priorities as a company,” ayon kay Pichai said.

“The roles we’re eliminating reflect the outcome of that review.”

Halos 187,000 workers sa buong mundo ang empleyado ng Alphabet sa katapusan ng September 2022.

Ani Pichai,  ipinagbigay-alam na sa American employees ang tungkol sa cuts habang matatagalan ang reductions sa ibang bansa dahil sa local labour laws.

“The fact that these changes will impact the lives of Googlers weighs heavily on me, and I take full responsibility for the decisions that led us here.”

Inanunsyo naman ni Pichai ang severance packages para sa US employees, na makatatanggap ng hindi bababa sa 16 linggong sahod, kanilang 2022 bonus, paid vacations at anim na buwang health coverage.

Sinabi niya na nananatili siyang “optimistic about our ability to deliver on our mission, even on our toughest days.” RNT/SA