120,863 pasado sa October 2022 LET – PRC

120,863 pasado sa October 2022 LET – PRC

December 17, 2022 @ 10:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sumampa sa mahigit 120,000 ang nakapasa sa October 2022 Licensure Examination for Professional Teachers (L.E.P.T.).

Sa kabuuang 120,863 na nakapasa, kapwa namayagpag ang dalawang Cebu Normal University (CNU) graduates sa Elementary Level ng October 2022 LET habang ang graduate naman ng University of Mindanao-Panabo ang nanguna sa Secondary Level.

Nakuha nina Baby Patricia Tabamo Bensi aat nd Ma. Catherine Cauba ang 94.60 percent rating sa Elementary Level. May kabuuang 49,783 elementary teachers sa 91,468 examinees o 54.43 percent ang nakapasa sa pagsusulit.

Para sa Secondary Level, nakakuha rin si Jessiree Flores Pantilgan ng 94.60 percent rating dahilan upang manguna siya sa pagsusulit. May kabuuang 71,080 secondary teachers sa 139,534 examinees o 50.94% ang matagumpay na nakalusot sa pagsusulit.

“It is further announced that of the 49,783 elementary teacher passers, 29,183 are first timers and 20,600 are repeaters. For the secondary teachers, 50,549 passers are first timers and 20,531 are repeaters,” anunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC).

Samantala, ang Philippine Normal University ang first placer sa top performing schools na may 50 higit pang examinees at may hindi bababa sa 80 percent passing percentage. RNT/SA