120K queries sa int’l travel restriction nasagot ng BI noong 2020

120K queries sa int’l travel restriction nasagot ng BI noong 2020

January 14, 2021 @ 3:44 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na dumoble noong 2020 ang queries o mga katanungan tungkol sa international travel restrictions na dinulot ng COVID-19 kumpara sa taong 2019.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na nasagot ng BI National Operations Center (BINOC) ang higit 120,000 queries na natanggap via hotlines, email, at social media.

Tumaas aniya ito ng 131 porsyento kumpara sa kabuuang bilang noong 2019.

Iginiit naman ni BINOC chief Djamina Diampuan na bukod sa mga katanungan tungkol sa travel requirements, nasagot din nila ang ilang transactions at services na mula sa BI..

“For concerns and reports, we maintain a helpline page and reports from this go directly to my office,” lahad ni Morente. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...