122 TMWP, 37 NPA, 30 law violator, arestado ng PR02

122 TMWP, 37 NPA, 30 law violator, arestado ng PR02

December 16, 2021 @ 8:27 AM 10 months ago


Cagayan Valley – Umabot sa 122 na Top Most Wanted Persons o  TMWP at 30 katao na lumabag sa batas habang 37 na miyembro ng mga rebelde o New People’s Army (NPA) sa isinagawang isang araw na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) ng mga kasapi ng Police Regional Office 02 o (PR02).

Saa datos ng Regional Operations Division (ROD) ng PR02 mula sa apat (4) na ikinasang anti-illegal drug operations, tatlong (3) drug personalities ang nakorner at nahuli kung saan nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang 8.234 gramo ng “Shabu” at 7.597 gramo ng “marijuana” na nagkakahalaga ng tinatayang mahigit Php 115,000,00.

Naaresto rin ng mga alagad ng batas ang 23 bettors, apat (4) na walang lisensyang baril, anim (6) na bomba at 23 na baril sa kanilang isinagawang kampanya kontra sa illegal gambling at loose firearms.

Bukod dito, nakakumpiska rin ang mga otoridad ang nasa 172 board feet ng iligal na kahoy na tinatayang nagkakahalaga ng Php3,400.00.

Samantala, sumuko naman sa mga otoridad ang limang (5) miyembro ng New People’s Army (NPA) na kinabibilangan ng dalawang (2) supporters ng NPA at tatlong (3) miyembro ng Milisyang Bayan.

Sa isang araw na SACLEO ay mula sa matagumpay na pagpapatupad at pagtugon sa direktiba na hulihin ang mga sangkot sa mga kriminalidad na kinabibilangan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Batanes Police Provincial Office.

Samantala, nagpasalamat naman si PCol. James Melad Cipriano, Provincial Director ng Isabela PPO pangunguna sa isinagawang operasyon sa kanyang mga kapulisan sa mga accomplishments sa boung rehiyon. (REY VELASCO)