1,223 dagdag-kaso; 128 patay; 2,400 gumaling sa COVID-19

1,223 dagdag-kaso; 128 patay; 2,400 gumaling sa COVID-19

February 26, 2022 @ 4:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Ngayong Pebrero 26, nakapagtala pa ng 1,223 na bagong kaso ng coronavirus disease ang Department of Health (DOH).

Bunsod nito umabot na sa 3,660,020  ang nagpositibo sa naturang sakit.

Samantala ay mayroon namang naitalang 2,400 na gumaling at 128 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.5% (53,934) ang aktibong kaso, 97.0% (3,549,735) na ang gumaling, at 1.54% (56,351) ang namatay.

Patuloy ang pagpapaalala ng DOH sa publiko na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19 sa halip ay dapat natin  ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Jocelyn Tabangcura-Domenden